
Lumipat na nga si DEITHER OCAMPO sa GMA7 makaraan ang ilang taong pagiging isang kapamilya. Kawawakas lamang ng kanyang pinagbidahang ‘IISA PA LAMANG’ sa ABSCBN2 kung saan ay nakasama niya sina Claudine Barretto, Gabby Concepcion at Angelica Panganiban. Tinatayang isa siya sa mga bidang tampok sa inangkop na koreanobelang ‘All About Eve’ matapos siyang pumirma ng long term contract sa GMA NETWORK. Ayon sa balita, si Diet mismo ang nagprisinta sa kanyang sarili bilang isang ‘independent artist’ sa nasabing istasyon.


