BLIND ITEM : dating adik na aktor, pasaway at iresponsable ngayon

Worried ang mga kaibigan ng isang young actor dahil lulong na raw ito sa paggamit ng illegal drugs. Natsugi raw sa isang TV show ang young actor dahil naging pasaway ito at iresponsable. Pinaghihinayangan ang bagets dahil award-winning actor ito at kung magtitino siya, malayo pa ang mararating ng kanyang showbiz career.

Kulang yata sa guidance ang young actor. At kung may nangangaral sa kanya, hindi niya pinakikinggan. Ang feeling yata ng bagets eh kayang-kaya na niya na mabuhay sa mundo dahil naranasan na niya na humawak ng malaking kadatungan. Tingnan natin ang mangyayari sa bagets kapag naubos na ang kanyang datung na inaaksaya yata niya sa masamang bisyo! Talagang may mga tao na hindi natututo sa karanasan ng kanilang kapwa na nalulong sa droga, nagsisisi at nagbagong buhay.

lolit solis/psn

2 Comments

  1. 1
    supremo1770 Says:

    jiro manio

  2. 2
    joeymatapobre Says:

    blind item ba ito marami ng article sa newspaper given na yung name ng sinasabing young actor.


RSS Feed for this entry

Leave a Comment