marian rivera, the only ‘darna’ na matigas ang mukha!
KAPANSIN-PANSIN na sa lahat ng naging Darna, si Marian Rivera ang mukhang matigas. Siya raw ang Darna na mukhang kontrabida sa kilos at pagsasalita.
Kung ikokompara si Marian kina Vilma Santos, Nanette Medved, Angel Locsin, Anjanette Abayari, malayo ito sa pagiging sweet at malambing. Si Marian, may tendency na kainisan mo bilang Darna.
Mas bagay daw sa kanya ang bida-kontrabida!
Speaking of Darna, nakatsikahan namin si Francis ‘Iking’ Magundayao na gumanap na Ding sa Darna serye ni Angel ng GMA 7. Ten years old na ngayon at mina-manage ni Chris Deuna.
Mas gusto raw niya si Angel kompara kay Marian. “Mabait si Ate Angel. Nagsisimula pa lang ako noon pero nilalapitan niya. Tinuturuan din niya ako sa mga eksena ko,” aniya.
Ano ang feeling niya na hindi na siya ang ‘Iking’ ngayon sa Darna ni Marian?
“Okey lang. Nakilala rin naman po ako na Iking. Tapos na ang time ko. Okey lang,” sagot niya.
Tulad ni Angel, Kapamilya na rin pala si Francis. Isa siya mga ‘angel’ o kaibigan ni Santino sa May Bukas Pa. Gumanap din siyang young Sam Milby sa Only You at young Gerald Anderson sa Tayong Dalawa.
roldan castro/hataw


opinion po, tingin ko c nanette medved ang may pinaka matigas na mukha. d b may russian blood c nanette- it can be seen in her aura. c marian isa sa may pinaka mgandang mukhang darna.
pero para sakin si nanette ang pinakamaganda at pinakaglamorosang darna. xa lang ang may matinong job na darna. model na model ang itsura. at maganda story ng darna nya. mananaggal na teacher at mga alagad ni valentina atsaka
I’m not a fan of Marian pero tlaga naman maganda sya. Compare nga nila ang face ng mga artista na hindi matigas ang mukha sa kanya.
kahit anong sabihin ng sino dyan, maganda talaga si marian.
kakatawa mga comments. fan ako ni angel locsin pero tanggap ko na mas magandang darna si marian.
kung mukha lang ang pag uusapan….
oo namn si angel ang isa sa pinakamaamongmukha na darna. n bagay kay angel ang darna kasi pinay na pinay.
sorry EklaVumers, you were exposed to some unpleasant comments. i have deleted them and hope that i won’t have to do this extra job again! kunsabagay chikka lang and as always tnx for dropping by always but please if you can help it don’t flame the forums. naloloka ang yaya ko!