‘willie revillame, insecure!’ – alfie lorenzo
Is Willie Revillame having a bad time with “Showtime with Billy and Oskee” na pre-programming ng daily concert niya?
Komo nakatutok ako sa “Eat Bulaga” ay ni-report sa akin nu’ng gumagawa ng mga DVD ko na nagtatarang daw si Willie sa concert/show niya kung bakit inuunahan pa raw ang mga ginagawa sa concert niya!
Hindi raw sila makapag-ensayo ng mga dancers niya dahil gamit ng “Bad Time” ang same studio. Ha?
The way I look at the studio mukhang hindi naman yata same studio ‘yung gamit ng dalawang shows na parehong “trying hard copycats” lang ng “Eat Bulaga” naman!
Papanong ipapasok in minutes ang mga hagdan at madaling pauupuin ang mga balikbayan friends nila in a jippy? Invalid yata ang tantrums ng concert king?
***
May ginawa na namang malasado itong si Willie, na ‘di na kawili-wili nu’ng isang Sabado at 12:45 p.m.
May bago silang gimik na mga open boxes na may salitang nanay, tatay, ate, kuya, lolo/lola na dudukot si Willie sa bawat kahon ng pangalan.
May isang nanay ang nabunot, isang tatay, isang ate, at pagdating sa kahon ni kuya ay pangalan ng babae ang nabunot.
“Sori nagkamali! Balik ka sa upuan mo, balik!”
Hindi raw dapat ‘yung pangalan nu’ng babae sa kahon ni kuya, dapat nga raw sa kahon ni ate ‘yun. Ganoon lang? Wow, ha!
Dapat isinali na rin ‘yung pangalang nabunot dahil hindi naman kasalanan ng contestant ‘yung pagkakamaling ‘yun kundi ng mga pabayang staff ni Miss Mm.
Hindi dapat pinaaako sa iba ang pagkakamali nila. Para tuloy mga yagit kung tratuhin ang mga contestants sa show na ‘yan, huh!
Manood nga kayo ng “Eat Bulaga” nang makita nyo kung papanong VIP treatment ang mga contestants nila roon, huh!


wala ng maisulat..hahaha.kawawa naman si alfie..huhuhuhu